30

Jan 5, 2022 @ 20:22
By

Laguna posibleng isama sa Alert Level 3

Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III nitong Miyerkoles na posibleng ilagay din sa ilalim ng Alert Level 3 ang lalawigan ng Laguna.

Ani Duque, sinabi sa kanya ito ng epidemiology bureau.

Kung sakali, makakasama ang Laguna sa Metro Manila, Bulacan, Cavite at Rizal na nauna nang sinailalim sa Alert Level 3.

Batay sa inisyal na datos mula sa Department of Health, mayroon ding pagtaas ng kaso ng COVID sa Laguna sa nakalipas na dalawang linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?