62

Jan 3, 2022 @ 22:49
By

Laguna nilindol

Inuga ng magnitude 3.0 earthquake ang Sta. Rosa City, Laguna nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, nagdulot ito ng Intensity 3 sa mga kalapit nitong bayan.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Alaminos, Sto. Tomas, San Pablo at Los Baños habang Intensity 2 sa Calamba sa Laguna at Talisay sa Batangas.

Gayundin, inuga ang ilang bahagi ng Metro Manila tulad ng Muntinlupa City (Intensity 3), Carmona, Cavite at Makati City (Intensity 2).

Intensity 1 sa Tagaytay City; Bacoor City at Las Piñas City.

Sabi ng Phivolcs, walang aftershock at pinsala ang inaasahan mula sa paglindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?