30

By

Laguna Krah Heroes pinaderan ni Olivarez, Reyes

Sharing is caring!

Patuloy ang pagpapakilala ng Laguna Krah Heroes matapos palambutin ang Basilan Steel, 80-62, sa Anta Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Huwebes nang gabi, Setyembre 6, sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo na Laguna na pumoste ng 4-4 win-loss record habang ikalimang pagkatalo ito ng Steel sa loob ng walong laro.

Naging bayani ng Laguna si Raph Olivarez na kumubra ng 16 na puntos habang ang dating PBA player naman na si Jai Reyes ay tumapos ng double-double, 12 puntos at 10 assists.

“I think this is a good challenge for us. Our last two wins might be an indication that we are ready to take on the big boys in the tournament and we’ll be facing one of the leaders of the tournament in our netx game,” saad ni Laguna coach Alex Angeles.

Sunod na makakasagupa sa court ng Laguna ang isa pang matindi sa liga na Manila Stars.

Sa ibang laro, natuldulkan na ng Batangas City Athletics ang kanilang four-game losing skid matapos nitong maalpasan ang Pasay City Voyagers, 60-57.

Naging tangulan ng Batangas si Teytey Teodoro na tumapos ng 17 puntos kabilang na ang kanyang game-winning lay-up sa huling 13 segundo ng laro.

Aminado naman si Batangas head coach Mac Tan na may problema ang kanyang tropa ang kailangan itong aniya mabigyan ng pansin para sa mga susunod nitong laban.

“I’m still trying to figure out what the problem is. Whatever we’re showing inside the court now is far from what you are seeing on practice,” saad ni Tan. “But I guess the change should come from me. I need to be more strict dahil baka nasanay yung players na relaxed lang ako.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?