18

Jul 31, 2021 @ 16:25
By

Laguna governor pinasinayaan bagong pasilidad sa Pakil hospital

Isang bagong facility sa General Juan Cailles Memorial District Hospital (GJCMDH) ang pinasinayaan sa Barangay Tavera, Pakil, Laguna.

Pinangunahan ito ni Governor Ramil Hernandez.

Sa ilalim ito ng Department of Health Hospital Facilities Enhancement Program Phases 1 at 2.

Matatagpuan sa pasilidad ang bagong Bakuna Center, X-ray Room, Nurse’s Station, Delivery Room, Nursery Room at iba pa.

Ang proyekto ay parte ng plano ni Hernandez na makapagbigay ang local government ng access sa kalidad at mahusay na serbisyong medikal sa mga residente.

“Kasama sa okasyong ito sina Provincial Administrator Atty. Dulce Rebanal, Pakil Mayor Vince Soriano, Tavera Brgy. Chairman Lauro De Roma, at iba pang panauhin,” sabi sa inilabas na pahayag.

“Lubos din ang pasasalamat ni Gob. Hernandez sa kooperasyon at patuloy na suporta ng pamunuan at mga kawani ng GJCMDH sa pangunguna ni Dr. Rodolfo Villarin upang tagumpay na maisakatuparan ang proyektong ito,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?