29

Aug 5, 2021 @ 22:40
By

Laguna, Cagayan de Oro, Iloilo City ECQ na rin

Ilalagay sa enhanced community quarantine (ECQ) status ang mga lalawigan ng Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City simula sa Biyernes, August 6 hanggang August 15, 2021.

Sa inilabas na pahayag ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na isailalim ang nabanggit na mga lugar sa pinakamahigpit na quarantine status dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

“President Rodrigo Roa Duterte approved the recommendation of the Inter-Agency Task Force to place Laguna, Iloilo City and Cagayan de Oro under enhanced community quarantine beginning August 6 until August 15, 2021,” ani Roque.

Nauna nang inilagay sa ECQ ang Metro Manila simula August 6-20 para mapigilan ang posibleng pagkalat ng Delta COVID variant.

Nasa general community quarantine naman ang lalawigan ng Batangas at Quezon “with heightened restrictions” mula August 6 hanggang August 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?