54

Jul 5, 2022 @ 22:55
By

Lagrama, Pampanga tinambakan Caloocan

Sa likod ng 11 assists at 9 points ni Topeng Lagrama, sinilaw ng Pampanga Giant Lanterns ang Caloocan City Excellence 95-78 sa OKBet 4th Maharlika Pilipinas Basketball League 2022 regular season game sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City Martes ng gabi.

Ang niladlad ng basketbolista mula sa Lucena ang naggawad sa kanya ng best player of the game kasabay sa pag-angat ng kanyang team sa pangatlong ragasa at overall 4-3 win-loss card, inakbayan sa North Division third spot ang Valenzuela City MJAS Zenith.

Tilapon ang Caloocan sa third straight loss at napako sa pangsiyam sa 1-4.

Sinandigan naman ng Bacoor City Strikers ang 11 markers at 10 boards ni Mark Montuano upang iwasiwas ang Makati MNL KingPin 84-56.

Umakyat ang Bacoor sa 2-2 para sa pang-anim sa South Division. Gulong ang Makati sa pang-11 at kulelat sa North sa pang-anim na sadsad para sa barahang 1-7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?