26

Mar 19, 2021 @ 17:21

Lagpas kalahati ng Pinoy naniniwalang mapanganib kalabanin administrasyon

Karamihan o 65 porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwalang “dangerous” na magsapubliko ng anumang pagtuligsa sa administrasyon, batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Ayon sa Nov. 21-25, 2020 survey result na inilabas nitong Biyernes, 65% ang sumang-ayon sa pahayag na, “It is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth?”

Samantala, 18% ang undecided habang 16% ang hindi sumang-ayon.

Pinakamataas na nag-“oo” kung mapanganib ba na maglathala ng pambabatikos laban sa administrasyon ay sa Mindanao (+58), sumunod sa Visayas (+55), Balance Luzon (+47) at Metro Manila (+30).

Lumabas din sa survey na 65% ng mga Pilipino ang sumang-ayon sa pahayag na, “I can say anything I want, openly and without fear, even if it is against the administration.”

16% ang undecided habang 19% ang hindi sang-ayon. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?