27

Oct 10, 2021 @ 18:16
By

Lagpas 900K bakuna galing US dumating sa Pinas

Lumapag ngayong Linggo ng hapon sa Pilipinas ang 918,450 doses ng bakunang Pfizer.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:15 p.m. ng hapon nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong may dala ng mga nasabing bakuna.

Ang mga Pfizer vaccine ay unang batch ng 1.8 milyon bakuna na donasyon ng pamahalaan ng US.

Samantala, ang ikalawang batch ay darating bukas.

Dahil dito, umabot na sa 21 milyon ang bilang ng mga bakuna na ibinigay ng US sa Pilipinas. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?