10

Mar 6, 2021 @ 14:56
By

Lagpas 800 barangay na malinis sa NPA, bibigyan ng P20M

Mahigit 800 barangay sa bansa na nasupil ang presensiya at impluwensiya ng New People’s Army (NPA) ang nakatakdang makatanggap ng P20 milyong halaga ng mga proyekto na layuning iangat ang kabuhayan ng mga residente nito.

Sa isang talumpati sa Cagayan de Oro City kahapon, sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, na ang 822 barangay nationwide ay makatatanggap ng P20 milyon bilang reward sa paglinis sa kanilang lugar mula sa mga rebeldeng NPA.

Dagdag ni Esperon, 119 sa mga barangay na ito ay mula sa Region 10.

“We have 822 barangays under NPA influence cleared from 2016 to 2019. One hundred nineteen of these are in Region 10, iyong mga barangay captain, they are here to symbolically receive,” wika ni Esperon.

Ang ipagkakaloob na P20 milyong insentibo ay sa porma ng mga farm to market road, classroom, electrification project, health center, water system, communal at irrigation project.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?