27

Sep 11, 2021 @ 21:57
By

Lagpas 61M bakuna, bubuhos hanggang Oktubre

Inaasahang darating simula ngayong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre ang mahigit 61 million na mga bakuna kontra COVID-19.

Ito ang inireport ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Galvez, kabilang sa mga darating na bakuna ay ang 12 million doses mula sa Sinovac, Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Sputnik V at donasyon mula sa Japan at Covax facility ng World Health Organization.

“The Philippines is expected to receive more than 61 million vaccines for the month of September and October,” ani Galvez.

Dahil dito, sinabi ng kalihim na aasahan ang mas malaking volume ng supply ng bakuna dahil magkakaroon na ng steady supply ng COVID vaccines.

Kasabay nito, iniulat ni Galvez sa pangulo at sa publiko na naresolba na ang isyu sa produksiyon ng AstraZeneca, Moderna at Sputnik at nakikipag-negosasyon na aniya ang Department of Finance negotiating team para sa mas malaking bulto ng supply na darating sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?