156

Jun 13, 2021 @ 15:36
By

Lagman: VP Leni itapat sa pambato ni Duterte

Para kay Albay Rep. Edcel Lagman si Vice President Leni Robredo ang magiging unifying candidate ng oposisyon na maaaring itapat sa kung sinuman ang babasbasan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 presidential elections.

Ayon kay Lagman isang kandidato lamang ang dapat na suportahan ng oposisyon sa 2022 polls.

“Vice President Leni Robredo is the most logical, qualified, viable, and winnable choice as the opposition’s standard bearer,” sabi ni Lagman.

Bukod sa pinakamataas ang hawak na posisyon sa kasalukuyan, sinabi ni Lagman na mayroong track record si Robredo na manalo nang taliwas sa sinasabi ng mga survey.

“Her compassionate demeanor is in direct contrast to the repressive machinations of Duterte,” dagdag pa nito.

Maganda rin umano ang performance ni Robredo sa paglaban sa COVID-19 pandemic sa kabila ng limitadong pondong ibinigay sa kanyang opisina ng Malacañang.

“Her enduring adherence to constitutionalism and the rule of law is the direct opposite to Duterte’s repeated violations of the Constitution on due process, human rights, and press freedom, among others,” wika pa ni Lagman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?