2,909
Edcel Lagman
By

Lagman sa P2-bilyong pondo ng distrito: Wala akong alam diyan!

Sharing is caring!

Dumistansya si Albay Rep. Edcel Lagman sa alokasyon ng budget sa kanyang distrito na pinondohan sa ilalim ng 2019 budget.

Ayon kay Lagman, wala siyang papel sa mga proyekto sa kanilang lugar na pinaglaanan ng pondo para sa susunod na taon.

Napag-alamang may P2-bilyong alokasyon sa distrito ng kongresista. Pero sabi nito, hindi siya nag-request ng anumang halaga para sa kanyang distrito dahil ang National Expenditure Program (NEP) ay ekslusibong binuo ng ehekutibo, partikular ng Department of Budget and Management (DBM).

Kung mayroon anyang inilaan sa kanyang nasasakupan, baka mayroong nanghimasok na hindi niya kilala at nakialam sa proyekto na napagbigyan lamang ng Malakanyang.

Sabi pa ni Lagman, baka bahagi rin ito ng regular na programa ng mga ahensya ng gobyerno na inisyatibo ng ibang partido.

“I have not requested nor initiated any amount attributed to my district because the NEP is supposed to be solely prepared by the Executive Department, more particularly the Department of Budget and Management, unless there are intruders, of whom I am presently unaware of, whose intervention or interference has been accommodated,” ani Lagman.

“Any amounts reflected in the NEP for my district are part of the concerned department’s or agency’s regular programs and/or at the initiative of parties without my knowledge and consent,” dagdag ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?