27

May 3, 2021 @ 18:08
By

Lagman sa CHR: Pag-aresto sa mga aktibista imbestigahan

Nanawagan si Albay Rep. Edcel Lagman sa Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang serye ng pag-aresto sa mga aktibista sa Bicol noong Mayo 2.

“Bicolano activists are the latest victims of the pernicious pattern of red-tagging, terror-baiting, and evidence-planting,” sabi ni Lagman sa isang pahayag.

Ayon kay Lagman, hinuli sina Daniel Balucio, pastor ng National Council of Churches in the Philippines at spokesperson ng Bicol Bagong Alyansang Makabayan, at Sarah Sta. Rosa, spokesperson ng Jovenes Anakbayan-Bicol, nang alanganing oras. Narekober umano ng pulisya ang mga baril at pampasabog.

Sa kaparehong araw ay pinasok ng mga pulis ang bahay ni Justine Mesias, student leader ng Bicol University at spokesperson ng Youth Act Now Against Tyranny Bicol. May nakuha umanong baril at eksplosibo sa bahay.

“While search warrants were judicially issued, it was reported that no family members or other persons were allowed to witness the conduct by the police of the searches and seizures,” dagdag pa ni Lagman.

Sa kaso ni Balucio, dumating umano ang barangay chairman at kagawad ng Barangay San Isidro sa Sto. Domingo, Albay mahigit isang oras matapos na dumating ang mga pulis alas-3 ng umaga.

“I am urging the CHR to immediately conduct an investigation on the subject arrests and seizures to determine violations of human rights and fundamental liberties,” wika pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?