62

Nov 19, 2021 @ 15:57
By

Lagman: Kung basura DQ case, bakit humirit ng extension si Marcos Jr?

Kung totoo umano na basura, nuisance at political gimmick lamang ang mga petisyong inihain, bakit kinailangan pa ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr., na humingi ng dagdag na oras para masagot ito.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, hindi mababago ng paghingi ng extension ang katotohanan na nakasaad sa reklamo.

Tinawag ni Lagman na “unmistakable facts” ang mga nakasaad sa reklamo gaya ng pagkabigo ni Marcos na maghain ng kanyang income tax return mula 1982 hanggang 1985 at ang hatol sa kanya na naging pinal na matapos abandonahin ang apela sa Korte Suprema.

Malinaw umano Section 228(c) ng 1987 National Internal Revenue Code na ang isang indibidwal na napatunayan na hindi naghain ng kanyang income tax return ay diskuwalipikado na humawak ng puwesto sa gobyerno.

Ang hatol sa kanya ay nagdidiskuwalipika umano sa kanya sa pagsali sa halalan ayon sa Section 12 ng Omnibus Election Code.

Iginiit ni Lagman na ang petisyon sa Comelec ay hindi para baguhin ang hatol kay Marcos Jr., kundi para lamang ipatupad ng ahensya ang nakasaad sa batas na siya ay idiskuwalipika.

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?