182
edcel-lagman
Oct 29, 2017 @ 13:35

Lagman kay Roque: Spokesman ka, hindi adviser ni Duterte

Tagapagsalita at hindi tagapayo ang trabaho ng Presidential Spokesperson.

Ito ang binigyang diin ni Albay Rep. Edcel Lagman kay incoming Presidential Spokesman Harry Roque, matapos sabihin ng dating kinatawan ng Kabayan Partylist na kaya nito tinanggap ang posisyon ay para matalakay umano ang human rights concerns kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“The presidential spokesman is the President’s alter ego after the fact, not a precursor of the fact,” he said.

Kanityaw pa ni Lagman kay Roque, hindi pa man umuupo sa bagong posisyon ay tila nagpapalawak na ito nang nasasakupan.

Paliwanag nito, trabaho ng Justice Secretary ang gustong gawin ni Roque na payuhan ang presidente tungkol sa human rights.

Ang papel anya ng tagapagsalita ay bigkasin ang mga sinasabi ng pangulo at dagdagan ng mga paliwanag, at hindi pangunahan ang sasabihin nito.

“The role of a spokesman is to incant, elaborate or moderate the President’s pronouncements, not to mold the Chief Executive’s statements beforehand,” sabi ni Lagman.

“A spokesman reports the President’s statements but does not advise his principal on what to say,” dagdag ng kongresista.

Sinabi rin ni Lagman na hindi maaaring sabay na maging spokesperson at adviser si Roque.

“Nowhere in Executive Order No. 4 dated 10 July 2010 ‘Reorganizing and Renaming the Office of the Press Secretary’ and previous executive issuances relative to the position of presidential spokesman is there any grant of authority to the latter to advise the President on matters,” ayon sa mambabatas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?