168

Dec 17, 2017 @ 21:03
By

Lagman dedma lang sa banat ni Gadon

Hindi sinagot ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pahayag ni Atty. Larry Gadon na dapat na itong magbitiw bilang miyembro ng Kamara.

Inakusahan ni Gadon si Lagman na nag-aabogado umano kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na aniya’y labag sa tungkulin nito bilang kinatawan.

Pero dedma ang kongresista sa patutsada ng abogado.

Maging ang mga kasamahan ni Lagman sa grupong Magnificent 7 sa Kamara ay ayaw patulan si Gadon.

Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon ang aniya’y “nimcompoop”.

Ganito rin ang sinabi ni Northern Samar Rep. Raul Daza na tinawag namang “hogwash” o walang kwenta ang pahayag ni Gadon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?