34

Jan 7, 2022 @ 16:21
By

Lagman: Child marriage ban importanteng karugtong ng RH Law

Ang pagsasabatas ng panukala na nagbabawal ng child marriage sa bansa ay mahalaga umanong karugtong ng Reproductive Health (RH) law.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman ang pagbibigay ng proteksyon sa reproductive health ng mga bata ay kasama sa ginagarantiyahan ng estado na bibigyan ng proteksyon.

Si Lagman ang pangunahing may-akda ng RH law at co-author ng panukala na nagbabawal ng child marriage na pinirmahan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang solon ang nasa likod ng probisyon na nagbabawal sa pagsasama ng isang may sapat na gulang at isang bata kahit hindi ikinasal.

Ayon kay Lagman dalawa pang panukala na mayroong kaugnayan sa RH law—ang pagpigil sa adolescent pregnancy, at ang absolute divorce bilang isang karapatan ng mga babae, ang nakabinbin sa Kongreso. (Billy Begas)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?