186

By

Laglag ang kaso vs Espinosa, Lim dahil sa CIDG – Aguirre

Sharing is caring!

Ibinunton ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang sisi sa pagkakabasura ng drug cases laban sa hinihinalang drug dealers na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Hindi aniya nagsumite ang CIDG ng sapat na ebidensiya na magdidiin sa dalawa.

Hindi rin kasama sa isinumite ng CIDG ang transcript ng naging testimonya ni Espinosa sa Senado kung saan inamin nito ang pagbebenta ng ilegal na droga.

“Mahina po at hindi lamang iyon, pati ‘yung ebidensiyang dapat isinama na akala ng public ay isinama na, katulad halimbawa nu’ng inamin daw ni Kerwin Espinosa (sa Senado) iyong pagti-trade niya ng drugs,” pahayag ni Aguirre sa panayam sa Unang Hirit.

Ayon kay Aguirre, hindi maisasama ng Department of Justice (DOJ) ang testimonya kung hindi isinumite ng CIDG bilang ebidensiya.

Bumuo na si Aguirre ng bagong panel na magrerepaso sa desisyon ng isang panel of prosecutors ng DOJ na umabsuwelto kina Espinosa, Lim at ilang iba pa mula sa illegal drug trade.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?