45

Jan 10, 2021 @ 16:07
By

Laging patay! Clarkson pabigat sa barilan

Matinik sa loob ng basketball ang Fil-Am guard na si Jordan Clarkson.

Ngunit pagdating sa shooting game na ‘Call of Duty’, mukhang hindi asintado ang Utah Jazz sixth man.

Sa Twitter, inasar si Clarkson ng kanyang teammate na si Royce O’Neale habang sila’y naglalaro ng COD.

Kasama din ng dalawa sina Jazz superstars Donovan Mitchell at Rudy Gobert.

Biro ni O’Neal, ayaw niyang kakampi sina Clarkson at Mitchell sa naturang laro dahil laging namamatay ang mga ito.

“Broooo I hate playing Call of Duty with [Mitchell and Clarkson] they never stay alive,” sey ni O’Neale.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?