42

Apr 18, 2020 @ 13:11
By

Laging Handa: Hotel ng Boy Scout pinagamit nang libre sa mga health worker

Pinanindigan ng Boy Scout of the Philippines ang motto nilang `Laging Handa’ nang sila ay magpaabot ng suporta sa mga health worker.

Ito ay matapos nilang ipagamit ang kanilang International Hotel para sa mga health worker ng Philippine General Hospital.

“Yung ating 120 rooms sa Boy Scout of the Philippines International Hotel ay [ginagamit] ng mga doktor, nurse at mga health worker mula sa PGH,” pahayag ni Boy Scout of the Philippines president Roberto Pagdanganan sa Laging Handa Press Briefing.

“Nagsimula po itong makipag-ugnayan sa amin mula kay Sen. Bong Go at Malacañang kaya maglilimang linggo na po ngayon na nandoon nakatira [ang mga health worker] at libre po ito.”

Sa ngayon ay tiniyak naman ni Pagdanganan na wala pang isang Pinoy scout ang nagpopositibo sa kumakalat na COVID-19.

“Bukod po diyan, patuloy po ang aming pakikiisa sa panawagan ng Pangulo. Awa ng diyos wala pang isang boy scout na na-report na nag-positive sa COVID-19,” pasasalamat nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?