53
roque-tieza
By

Lagay ni Roberto Teo sa TIEZA, hindi pa alam ng Palasyo

Sharing is caring!

Hindi masabi ng Malacañang kung ano ang tunay na status ng asawa ni Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo na si Roberto Teo na director ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Kasunod ito ng pahayag ng kampo ng pamilya Tulfo na nagsumite na ng courtesy resignation si Teo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, narinig lamang niya ang balita ng umano’y courtesy resignation na isinumite ni Teo.

“Ang pagkakaintindi ko po and I promise to clarify whether or not nandoon pa nga po sa TIEZA, parang si Mr.Teo was appointee of President Aquino and he has long tendered his resignation. Pero wala pa pong kapalit kaya daw po nandoon pa siya,” ani Roque.

Ayon pa sa kalihim, batay sa kanyang narinig, hindi na papasok at dadalo sa mga pulong at ang ikinatatakot lang umano ni Teo ay baka makasuhan ng dereliction of duty dahil binakante ang puwesto nang walang kapalit.

Ipinapalagay ni Roque na ang courtesy resignation ni Teo ay katulad na rin ng irrevocable resignation.

Matatandaang Agosto 2016 nang maglabas ng memorandum circular ang Malacañang na nag-uutos sa lahat ng appointee ni dating Pangulong Benigno Aquino III na magsumite ng kanilang courtesy resignation.

Itinalaga naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Teo noong Hunyo 2017 bilang board member ng Landbank of the Philippines Leasing and Finance Corporation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?