35

Jun 29, 2019 @ 17:04
By ,

Lady Troopers pasok sa semis sa angas ni Olena

Hinampas ni Ukranian import Olena Lymareva-Flink ang game high 29 points, 23 sa atake kasama ang 6 aces, para akayin ang Pacific Town-Army sa pagwalis sa BanKo Perlas 25-18, 25-14, 25-20 sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Reinforced Conference Sabado sa The Arena sa San Juan.

Pasok na sa semifinals ang Lady Troopers matapos okupahin ang third spot tangan ang 6-3 baraha.

“My team helped me a lot and they all supported me and gave me this power [to] continue what I’m doing,” sabi ni Flink. “I knew this game today is really important to us to secure the third place, so I tried to put everything that I have.”

Bukod kay Flink, nagparamdam din para sa tropa ang American import na si Jenelle Jordan na pumalo ng 11 puntos, may pitong puntos naman si Honey Royse Tubino habang may pinagsamang walong puntos sina Jovelyn Gonzaga at Ging Balse-Pabayo.

Samantala, nasa delikadong posisyon ang BanKo Perlas dahil maari pang masilat sa kanilang number four spot kung magkakaroon ng playoffs sa oras na manalo ang Motolite kontra PetroGazz.

Si Thai import Sudatta Cheuwulin at Dzi Gervacio ang nanguna sa tropa na may tig-walong puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?