150
views

By

Lady traffic enforcer ng MMDA, sinagasaan ng armoured car

Sharing is caring!

Nagkapasa-pasa, nabalian ng buto at nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang isang lady traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang masagasaan ng isang armoured car sa Edsa, Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktimang si Maricel Gammad, nasa hustong gulang, Traffic Constable III ng MMDA ay ginagamot ngayon sa East Avenue, Medical Center sanhi ng mga tinamong pasa at sugat sa katawan.

Base sa inisyal na report sa Quezon City Traffic Police, ang aksidente ay naganap dakong alas-10:00 ng umaga sa Edsa-Cubao Northbound.

Ayon sa kapwa lady enforcer ni Gammad, nakita niya nang mahagip ng armoured car ang biktima na minamaneho ni Dennis Ellaraiz.

Abala umano ang biktima sa pagmamanitine ng daloy ng trapiko nang bigla na lamang dumating ang humahagibis na armoured car at nabundol ang nasabing lady traffic enforcer.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad si Ellaraiz at ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?