219
lady-enforcer
By

Lady Traffic enforcer ng MMDA na nabundol ng armoured car, patay na

Sharing is caring!

Hindi na naisalba at binawian na nang buhay ang lady traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nabundol ng armoured car sa Quezon City.

Ang biktimang si Maricel Gammad, 27 –anyos, dalaga, traffic constable III ng MMDA, tubong Tugegarao, Cagayan at naninirahan sa No. 44 Roa, Holy Trinity Ext., Barangay Payatas ay binawian ng buhay ganap na alas – 9:00 ng gabi habang nilalapatan ng lunas sa EAMC sanhi ng matinding pagkabagok ng ulo.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang akusado na si Dennis Tanate Ellaraiz, 40 –anyos, driver ng Izuzu Elf armorured van (WHZ- 330) at residente ng No. 141 Sitio Mulawin, Brgy.San Juan, Valley Golf Road, Cainta. Rizal.

Si Ellaraiz ay kinasuhan na sa QC Prosecutors Office ng reckless imprudence resulting to homicide.

Base sa report kay P/Chief Insp. Aldrin M. Enrico, hepe ng Trafffic Sector 3 ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU), dakong alas – 10:05 ng umaga kamakalawa nang mabundol ng armoured vehicle si Gammad habang nagmamantine ng daloy ng trapiko.

Sa imbestigasyon ni PO3 Allan Paul Florendo, matulin na binabaybay ng armoured van ang northbound lane ng EDSA patungo sa direksiyon ng Balintawak at pagsapit sa tapat ng ES Transport Bus Terminal ay nabundol ang lady traffic enforcer ng MMDA.

Sa lakas ng pagkabundol ay tumilapon at gumulong ng tatlong beses at nabagok ang ulo sa konkretrong semento ang biktima na kanyang ikinasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?