14

By

Lady Tams, hindi pa 100% – Pascua

Sharing is caring!

Ayon kay Far Eastern University Lady Tamaraws head coach George Pascua, nasa 70% na ang kanilang chemistry.

“Noong first game namin 50%, second game 60%, now nasa 70% na,” ani Pascua matapos nilang makuha ang kanilang ikatlong sunod na panalo laban sa San Sebastian Lady Stags, 25-15, 25-22, 25-18.

“Satisfied naman. Hopefully, bago matapos ‘yung tournament, ma-achieve na namin yung [100% chemistry],” dagdag ni Pascua.

Nawala sa team si Bernadette Pons dahil sa graduation samantalang naglaro naman sa iba’t ibang mga koponan ang ibang players.

“Nakikita ko naman ‘yung progression ng team. Kaya nabibigyan ng chance ‘yung second six ko maipasok gawa nu’ng nakokontrol ng first six ‘yung game,” sabi niya.

Nasa tuktok ng standing ang Lady Tamaraws kasama ang Golden Tigresses, na may 3-0 na kargada. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?