75

Jan 10, 2022 @ 17:07
By

Lady solon sa DepEd: Magpatupad academic health break sa Alert level na lugar

Nanawagan ang isang lady solon sa Department of Education (DepEd) na magpatupad ng academic health break sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Ayon kay House Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro may mga guro at kanilang kapamilya na nakararanas ngayon ng sintomas ng COVID-19.

“With record breaking numbers of daily positive cases, we appeal to DepEd to consider implementing an academic health break in areas under alert level 3 to give our students, teachers and their parents time to rest and recuperate from the onslaught of the surge of the Omicron variant,” sabi ni Castro.

Ipinunto ni Castro na mas gaganda ang serbisyo ng mga guro kung sila ay walang sakit habang nagtuturo kaysa pagsabayin ang paglaban sa sakit habang naka-online classes.

Hindi gaya ng ibang empleyado ng gobyerno, sinabi ni Castro na walang sick leave privileges ang mga public school teacher.

“Public school teachers have long been complaining of not being afforded sick leave benefits within the school year because they are allegedly already covered by the leave benefits granted to those on ‘teachers leave basis,’ namely, service credits and the Proportional Vacation Pay (PVP),” dagdag pa ni Castro.

Nanawagan din si Castro sa DepEd na bantayan ang mga guro at education support personnel na nagpopositibo sa COVID-19 at ibigay ang tamang datos sa publiko alang-alang sa kapakanan ng mga guro at estudyante. (Billy Begas)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?