41

Sep 7, 2021 @ 15:28
By

Lady solon nanguna sa performing party-list representative survey

Nanguna si Deputy Speaker at Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera sa performing party-list representative survey sa National Capital Region (NCR) ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Si Herrera ay nakakuha ng 71% at sinundan nina ACT-CIS Rep. Eric Yap (70%) Buhay Rep. Lito Atienza (68%) Anakalusugan Rep. Michael Defensor (65%), at n1-PACMAN Rep. Michael Romero (63%).

Ikinatuwa naman ni Herrera ang resulta ng survey na gagamitin umano nitong inspirasyon sa lalo pang pagtatrabaho.

“We’re extremely grateful for the public trust and confidence in our capability to serve the country,” sabi ni Herrera. “The result of the survey will inspire us to do better and work harder for the benefit of our countrymen.”

Walang nagkomisyon sa House of Representatives Public Satisfaction Survey na isinagawa ng RPMD. Kinuha ang opinyon ng may 10,000 respondent kada distrito.

Sinabi ni RPDM Executive Director Dr. Paul Martinez na ang resulta ng survey ay batay sa nakikita ng mga respondent na ginagawa ng mga mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?