59

Oct 3, 2021 @ 13:38
By

Lady solon humirit pa ng isa

Muling tatakbo si Deputy Speaker Bernadette Herrera bilang kinatawan ng Bagong Henerasyon party-list sa Kongreso.

Sinabi ni Herrera na marami pang kailangang gawin sa Kongreso kaya tinanggap nito ang hamon na muling maging nominee ng Bagong Henerasyon. Siya ay nasa kasalukuyang nasa ikalawang termino.

“We have done a lot, but there’s much more we can do for our kababayans, especially in this time of the pandemic,” sabi ni Herrera.

Itutuloy umano nito ang pagiging boses ng mga kababaihan, kabataan at maging ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Kongreso.

“We will also continue to champion consumer protection, efficient internet, and economic recovery,” dagdag pa ng lady solon.

Bagong naging Deputy Speaker, si Herrera ang chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality at vice chair ng Committee on Welfare of Children.

Binigyan-diin ni Herrera ang pangangailangan na tulungan ang mga kababaihan upang mai-angat ang estado ng kanilang pamilya.

“‘Pag babae ang inangat, buong pamilya aangat,” punto ni Herrera na may-akda ng 105-Day Expanded Maternity Leave law at nagsusulong sa panukala na magbabawal ng child marriage sa bansa. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?