35

Nov 26, 2021 @ 13:54
By

Lady Solon humirit mas komprehensibong drug test sa opisyal, empleyado ng gobyerno

Dapat na umanong amyendahan ang batas kaugnay ng drug test ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Ayon kay ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo halos 20 taon na mula ng maisabatas ang Comprehensive Dangerous Drugs Act at marami ng pagbabago sa diagnostic technology na magagamit upang matukoy kung gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang isang indibidwal.

Sa halip na urine sample, sinabi ni Tulfo na ang ginagamit na dapat ay buhok o blood sample.

“There is already a national drug testing policy with compulsory and voluntary categories, but this policy in both law and regulations needs updating and upgrading,” sabi ni Tulfo.

Noong 2018 ay nagpalabas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng memorandum circular kaugnay ng pagsasagawa ng drug test sa mga elective at appointed official ng lokal na pamahalaan kaugnay drug-free work place policy ng gobyerno.

Bukod sa pagtukoy kung adik ang isang opisyal, sinabi ni Tulfo na dapat isama ang alcoholism, at debilitating disease na nakakaapekto rin sa pagganap ng isang tao sa kanyang tungkulin. (Billy Begas)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?