63

Dec 30, 2017 @ 14:11
By

Lady pusher timbog sa buy-bust sa Pasig

Kulong ang isang kilalang babaeng pusher ng Caniogan matapos mag-trap sa isinagawang drug buy-bust operation kamakalawa sa Pasig City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang lady pusher na si Bernadette Timbreza, nasa hustong gulang at residente ng Viper Compound, Caniogan, Pasig City.

Batay sa report, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang mga tauhan ng Drugs Enforcement Unit ng Caniogan at umaktong pusehr buyer ang isang pulis na kung saan ay bumili ng iligal na droga kay Timbreza bandang ala-1:30 ng hapon sa nasabing lugar.

Agad na dinampot ang suspek nang aktong ibibigay na ang drogang nagkakahalaga ng P200 sa pulis. Nakumpiska sa suspek ang pitong plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?