19
ABANTE tulak arrested jail drug pusher
By

Lady pusher tiklo sa buy-bust sa Marikina

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng matagal nang minamanmanang babaeng tulak makaaang malambat sa ikinasang drug buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Sa nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director S/Supt. Reynaldo Biay, nakilala ang lady pusher na si Joan Motinan y Dalidig, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Tumana, Marikina City.

Si Motinan ay nakakulong sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 Art II Sec. 5 para sa pagbebenta ng illegal na droga at Sec. 11 para sa pagdadala ng illegal na droga.

Batay sa report, nagsagawa ng drug buy bust ang station drug enforcement unit ng Marikina Police bandang 8:45 kamakalawa ng gabi sa bahay ng suspek sa Block 43, Singkamas St., sakop ng Barangay Tumana.

Matagal na umanong minaman-manan ng pulisya ang ikinikilos ng suspek kaugnay sa pagbebenta ng droga hanggang sa magpositibo sila na nasa bahay ang suspek at doon na ikinasa ang drug operation.

Nakumpiska mula kay Motinan ang limang transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu at P500 buy-bust money. Nabatid na talamak ang bentahan ng droga sa Tumana na kung saan ay kilala ang sus[pek bilang tulak ng shabu sa kanilang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?