37

By

Lady pusher ng Tumana, tiklo sa buy bust

Tapos na ang pagtutulak ng droga ng isang 43-anyos na ginang matapos madakip sa ikinasang drug buy bust operation sa Marikina City, Huwebes ng gabi.

Sa report na nakalap mula kay S/Supt. Roger Quesada, chief of police ng Marikina, nakilala ang lady pusher na si Norida Samporna, 43-anyos, residente ng Block 43, Singkamas St. Barangay Tumana, Marikina City at kabilang sa drug watch list ng pulisya.

Ayon kay Insp. Greco Gonzales, chief ng station drug enforcement unit, isinagawa ang buy bust operation makaraang magpositibo na nandoon si Samporna sa kanyang bahay bandang 6:45 kamakalawa ng gabi at agad na nakipagtransaksyon upang bumili ng droga.

Aktong iaabot na ng suspek ang droga ay agad na itong dinakma makaraang mahulihang may hawak na droga.

Nakumpiska mula kay Samporna ang 33 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at P1,000 peso bill bilang buy bust money.

Dinala ang suspect sa Eastern Police District (EPD) Crime Laboratory para sa drug test at laboratory examination para sa mga nakuhang droga.

Kasalukuyang nakakulong ang si Samporna sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?