22

By

Lady politician nagmukhang dugyot kahihintay kay Duterte

Sharing is caring!

Nakaka-turn off itong isang babaeng politiko dahil tila nahulasan sa mahabang paghihintay sa pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang aktibidad sa probinsiya.

Paano naman kasi ay naging kapansin-pansin ang kanyang may kulay na buhok na tila hindi nasuklay ng ilang araw at tila ba pinalitadahan ng sebo dahil sa pagdidikit-dikit.

Hindi sana napansin ang ayos ng buhok ni madam kung hindi na-close up sa kamera na naglalangis na sa hitsura pero wala sa ayos.

Isa pa naman itong si lady politician sa mga naunang sumalubong kay Pangulong Duterte pagdating nito sa lugar.

Halos anim na oras kasing naghintay si lady politician sa venue sa pag-aakalang darating on time ang Pangulo, pero gaya ng dati, late na naman dumating ito.

Hindi naman masabi ng alalay ni madam kung nakailang-beses itong nag-retouch ng kanyang make-up dahil sa tagal ng pagdating ng Presidente.

Pero tila nakalimutan ni madam na ayusin o suklayin man lang ang kanyang crowning glory dahil nag-concentrate ito sa pag-retouch sa kanyang make-up sa mukha.

Itong si lady politician ay laging present sa mga aktibidad ng Pangulo kahit saang lupalop pa ito, at sumama rin kahit sa mga biyahe sa abroad.

Clue: Lahi ni madam ang mga politiko at kahit binabatikos sila ng kanyang pamilya ay dedma lang ito, dahil ang mas mahalaga sa kanya ay ang pag-endorso ng Presidente.

Tatakbo kasi si lady politician sa mas mataas na puwesto at iiwanan na ang kanyang hawak na posisyon sa lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?