153

Nov 11, 2020 @ 15:35
By

Lady judge binoga sa loob ng Manila court

Binaril ang isang babaeng judge sa loob mismo ng kanyang opisina sa Manila Regional Trial Court, Miyerkoles ng hapon.

Nagtungo na sa pinangyarihan ng insidente ang mga tauhan ng Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) para maimbestigahan ang pangyayari.

Hindi pa klaro kung anong estado ng naturang lady judge at hindi pa rin nilalabas ang pagkakakilanlan nito.

Dahil sa naturang insidente, pinalabas ang ilang empleyado sa naturang gusali na nasa loob din ng Manila City Hall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?