38

By

Lady Gaga todo-display ng puwet at boobs sa IG

Sharing is caring!

Viral na naman ang Instagram photos ni Lady Gaga kung saan proud siyang idinisplay ang kanyang cleavage at matambok na puwet habang suot ang gold bikini sa isang beach sa Miami, Florida.

Walang takot na sinuot ng 36-year-old singer ang isang chain link gold bikini top at white thing bikini bottom na may mga kadena rin. Binagayan pa ito ni Gaga ng strappy heels at gold and black cover up.

At para kumpleto ang OOTD niya, nagsuot pa siya ng gold choker at aviator sunglasses.

Nilagyan niya ito ng caption na: “From the woods for Thanksgiving to the beach for Tour in Miami! #beyourself #ladygaga #beachwear #JoanneWorldTourMiami Bienvenidos a Miami.”

Bukod sa beach photo, may kuha rin si Gaga na sakay siya ng kabayo kung saan topless siya at suot lang ay leopard print cape.

Happy si Gaga dahil sa natanggap niyang Grammy nominations kamakailan.

Nakatanggap siya ng dalawang nominations mula sa album niyang Joanne: Best Pop Vocal Album and her song Million Reasons is also nominated for Best Pop Solo.

“I’m humbled & grateful that my album ‘Joanne’ was nominated & also my song ‘Million Reasons’. Thank you so much Monsters & Grammy Voters for believing in this music and me,” sey pa ni Lady Gaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: