132
Lady Gaga sinagot ang isyu ng pagbubuntis
Mar 14, 2019 @ 15:15
By

Lady Gaga sinagot ang isyu ng pagbubuntis

Diretsahang tinugunan ni Lady Gaga ang mga kumakalat na balita na nagdadalantao siya.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Gaga na inaasahan niya sa ngayon ay ang bago niyang album at hindi baby.

Noong nakaraang buwan lang nang itanggi ni Gaga na may namamagitan na sa kanila ni Bradley Cooper sa “Jimmy Kimmel Live”.

Nag-ugat ang pagkaka-link ni Gaga kay Cooper dahil sa chemistry nila bilang magkarelasyon sa pelikulang “A Star Is Born”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?