818

Jul 31, 2021 @ 10:58
By

Lady Gaga ‘pinagpalit sa mas bata, kinatay asawa’

“Nakulong ng 18 taon bago nakalaya si Lady Gaga.”

Pero hindi ito sa totoong buhay kundi sa bago niyang pelikula na inilabas na ng MGM Studios ang trailer.

Bibida sina Adam Driver at Lady Gaga bilang Mr. and Mrs. Gucci sa “House of Gucci” film na ipalalabas sa Nov. 24.

Tungkol ito sa assassination ni Maurizio Gucci (Driver) at pagbagsak ng Gucci family fashion dynasty.

Gumanap si Gaga bilang socialite na si Patrizia Reggiani, ex-wife ni Maurizio, na inakusahang nagpapatay sa dating mister matapos siyang iwan para sa mas batang babae.

Nahatulan siyang makulong ng 18 taon, kung saan siya binansagang Black Widow.

Nakalaya si Patrizia noong 2016.

Ang “House of Gucci” ay isinulat ni Roberto Bentivegna at base sa libro ni Sara Gay Forden na “The House of Gucci: A Sensational Story of Murder, Madness, Glamour, and Greed.”

Kabilang sa star-studded cast nito sina Al Pacino at Salma Hayek.

Panoorin ang trailer sa ilalim:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?