32

Sep 7, 2020 @ 15:45
By

Lady Gaga nagbunyi! Ariana unang babae na may 200M IG follower

Para kay Lady Gaga, “reyna” ang kaibigan at kapwa-singer niyang si Ariana Grande.

Humampas na kasi sa 200 million ang followers ng huli sa Instagram.

“Condragulations to my friend @arianagrande for 200 million followers!,” sey ni Gaga sa Instagram.

“You’re a queen! Wear that crown!,” bulalas niya pa.

https://www.instagram.com/p/CEfuACCMbvS/?utm_source=ig_web_button_share_sheet

Matatandaang waging-wagi ang song collaboration nina Ariana at Lady Gaga sa MTV Video Music Awards.

Nanalo ang “Rain on Me” ng Song of the Year, Best Collaboration at Best Cinematography.

Sa ngayon, meron nang 201,546,847 followers si Ariana.

Samantala, si football star Cristiano Ronaldo ang pinakaunang tao na nagkaroon ng 200 million followers sa IG. Kasalukuyang may 237 million followers na siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?