27

Feb 26, 2021 @ 18:07
By

Lady Gaga handang magbayad ng P24M para sa alagang aso

Handang “sumuka” ng $500,000 o nasa mahigit P24 milyon si Pop Royalty Lady Gaga upang maibalik sa kanya ang ninakaw na dalawa niyang French bulldog.

Ayon sa NBC News report, binaril din ng magnanakaw ang lalaking inupahan ni Lady Gaga upang ipasyal ang dalawa niyang asong sina Koji at Gustav noong Miyerkoles ng gabi sa North Sierra Bonita Avenue sa California.

Sabi ng source ng NBC News, “Pop star is offering half-a-million dollars to anyone who has her 2 dogs, no questions asked. Anyone who has the dogs can use this email — KojiandGustav@gmail.com — to retrieve the reward.”

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang nabaril na dog walker sa Cedars-Sinai Medical Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?