51

By

Lady Gaga, fiancé na si Christian Carino hiwalay na

Hindi na itutuloy ni Lady Gaga at fiancé na si Christian Carino ang kanilang engagement.

Ayon sa source ng People, hindi umano nag-work out ang relasyon ng dalawa kaya nagdesisyon na lang na maghiwalay nang walang drama.

Umusbong ang espekulasyon na break na sina Gaga at Carino nang maispatan ng matalas na mga mata ng fans na hindi suot ng una ang kanyang engagement ring sa Grammy Awards noong Feb. 10.

At noon ngang Valentine’s Day, sa halip na mga larawan nila ng fiancé ang ibinahagi ng singer sa kanyang IG ay ipinakita nito ang permanent piece ng A Star Is Born tattoo sa kanyang katawan.

“Happy Valentine’s Day. A tattoo toast to “la vie en rose” by the beautiful @winterstone my spinal cord is now a rose,” sabi ni Gaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?