68

Dec 15, 2017 @ 18:01

Lady Eagles, UST Tigresses magpapainit sa PSL final sa MOA

Magpapainit sa do-or-die championship match ng Petron Blaze Spikers at F2 Logistics Cargo Movers sa 2017 Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix sa Sabado, Disyembre 16 ang karibalan ng UAAP’s Ateneo Lady Eagles at UST Tigresses.

Sa unang pagkakataon, aapak sa PSL ang dalawang collegiate teams na magsisilbing unang sultada bago ang paghaharap ng Petron at F2 Logistics sa championship.

Ala-una ng hapon ang umpisa ng paluan ng Ateneo at University of Santo Tomas habang ang Game Three naman ng Petron-F2 Logistics final ay sa alas-sais ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Tiyak na makakadagdag sa intensity ng PSL ang paghaharap na ito ng Lady Eagles at Tigresses bago ang aksiyon sa bagong season ng UAAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?