321

Nov 3, 2017 @ 14:40

Lady boarder kinatay ng manugang ng landlord

Halos magkalasug-lasog ang katawan ng isang ginang matapos tadtarin ng saksak ng kanyang lalaking kaaway sa San Juan City Huwebes ng gabi.

Agad namang tumakas at nagtago na sa batas ang suspek na nakilalang si Jerry Bulalaque, residente ng Barangay San Perfecto, San Juan matapos saksakin ang isang 55-anyos na babae na nakilalang si Yolanda Macasinag, nangungupahan sa bahay ng biyenan ng suspek.

Batay sa report, palaging nag-aaway ang dalawa na parehong nakatira sa isang bahay na pagmamay-ari ni Marilyn Chua, biyenan ng suspek.

Naganap ang insidente bandang alas 6:00 kamakalawa ng gabi nang muling magsagutan ang dalawa hanggang sa nauwi na sa pananaksak ng suspek.

Nabatid na nagmagandang loob umano ang biktima na gisingin ang mga anak ni Bulalaque bandang alas 6:00 ng umaga dahil akala niya na may pasok ang mga ito.

Nagalit ang suspek dahil sa pangingialam umano ng biktima at hinampas daw ng upuan si Macasinag.

Dahil sa pangyayari, nagsumbong ang biktima sa barangay at doon ay ipinatawag ang suspek hanggang sa magbanta ito na huwag umuwi ng bahay subalit tumuloy pa rin si Macasinag na kung saan nag-away ulit sila ng suspek hanggang sa makakuha ng patalim ang pinagsasaksak ang biktima.

Target ngayon ng San Juan police ang suspek upang papanagutin sa krimen. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?