26
Marinera hahambalos nina Permentilla, Viray
Sep 29, 2019 @ 20:32
By

Lady Blazers tinuka ang Lady Falcons

Sinipa ni Klarissa Abriam ang Adamson Lady Falcons sa marathon game, 26-24, 29-27, 17-25, 21-25, 15-13 upang ibigay sa DLS-CSB Lady Blazers ang bentaheng 1-0 sa 3rd PVL Collegiate Conference 2019 best-of-3 semis Linhggo ng hapon sa The Arena, San Juan City.

Nagbaon ng 27 point si Abriam tampok ang 25 attacks para ibadaya ang Lady Blazers na maaring mawalis ang Lady Falcons sa race-to-2 win playoffs ng midseason women’s volleyfest .

‘Di rin nagpahuli si Gayle Pascual nang pumalo ng 19 kills mula sa kinolektang 23 points.

Nahirapan ang Taft-based school nang manakawan ng magkasunod na sets tapos sa malupit na mga kamay ni Ceasa Pinar na may 28 pts. sa ADU.

Balewala rin ang 17 markers ni Trisha Mae Genesis para Ermita-based squad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?