68

Nov 25, 2017 @ 10:22
By

Lady bike patrols, ikakasa ngayong Kapaskuhan

Handang-handa na ang mga itinalagang lady bike patrollers na inatasang suyurin ang buong lugar na sakop ng Eastern Police District (EPD) upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, partikular na ngayong nalalapit na Kapaskuhan.

Ayon kay EPD Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, nagdaan muna sa tatlong araw na Bicycle Patrol Training ang mga napiling lady cops upang matiyak din ang kanilang kaligtasan at layunin na ma-monitor ang bawat sulok ng barangay sa kanilang pag-iikot.

Bukod sa mga barangay na maiikot, inatasan din silang magpatrolya sa Ortigas Business area at Tiendesitas na sakop ng Pasig City Police Station, Greenfield City sa Mandaluyong City Police Station, Marikina Riverbanks sa Marikina City Police Station at Greenhills Shopping Center sa San Juan City Police Station.

Kumpiyansa si Sapitula na magiging epektibo ang mga itinalagang lady cop/bike patrollers dahil tiwala siya sa kakayahan ng kababaihan at ang mga magagawa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?