11

Jan 7, 2021 @ 13:04
By

Lacson:’Wag bumoto for insanity

May napulot na aral si Senador Ping Lacson mula sa pagsugod ng mga tagasuporta ni US President Donald Trump sa US Capitol.

“Lesson learned from the mob attack on the US Capitol Hill: DO NOT VOTE FOR INSANITY,” tweet ng senador ngayong Huwebes (PH time).

Dahil sa pagsugod ng Trump supporters sa Capitol para tutulan ang resulta ng 2020 election sa Amerika, pinagpaliban ng US Congress ang kanilang sesyon na dapat sana ay sesertipikahan na ang pagkapanalo ni US President-elect Joe Biden.

Isang babae na ang pumanaw matapos ang nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?