190

Nov 26, 2017 @ 21:19

Lacson: All-out-war vs CPP-NPA-NDF, panahon na!

Sinuportahan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pasya ni Pangulong Duterte na itigil ang pakikipag-usap ng gobyerno sa mga rebeldeng makakaliwa at ang pagpapatugis sa mga kasapi nito.

Ayon kay Lacson, tumpak ang sinabi ng Pangulo na hindi maaring laging may peace talks ang gobyerno kasama ang pamunuan ng National Democratic Front (NDF) habang naghahasik ng terorismo ang armed wing nito na New Peoples Army (NPA).

Tinukoy ang mga pananambang at panununog ng NPA laban sa military, pulisya, sibilyan at sa mga pribadong kumpanya na diumanoy kinikikilan ng mga rebelled.

“Ang nangyayari, nakikipag-usap sa Utrecht sa NDF, may representative ang CPP-NPA-NDF pero sige naman ang abuscades, sige panununog, sige pa rin ang terroristic activities. Ang purpose lang naman mag-extort ng pera. Saan ang ideology, nawala na, talagang sa banditry na nauwi,” pahayag ng senador.

Bukod dito, imposible rin umano ang mga hinihingi ng mga makakaliwa bago sila magbaba ng armas at makipagkasundo sa gobyerno.

“Gusto nilang maupo sa National Security Council. Hindi pa secret ang mga pinag uusapan doon, national security? E di nalaman na nilang lahat ang kilos ng gobyerno,” dagdag ni Lacson.

Hiningi rin umano ng mga makakaliwa na panatilihin sa NPA ang kanilang mga armas at gawin silang forest guards.

“Ang NPA regulars hindi raw isu-surrender ang firearms, gagawin ilang forest guards, e di sila na ang hari ng kagubatan,” ani Lacson.

Idiniin na kailangan pa rin ng usapang pangkapayapaan sa hinaharap.

“You know, at the end of the day, hindi natin pweden g sabihing sarado tayo sa peace talks, pero kung ganito ang sitwasyon, ganito ang kundisyon sa kanayunan, tama ang desisyon ng pangulo na tigilan na nag peace talks,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?