39

Sep 8, 2021 @ 14:04
By

Lacson walang uurungan: Kahit si Satanas pa yan!

“Sabi nga ni Tito Sen., kahit si Satanas pa ang makatapat na kalaban. Sabi ko naman, patay na kung patay.”

Ito ang matapang na sagot ni Senador Panfilo Ping Lacson nang tanungin kung wala na bang atrasan ang Lacson-Sotto tandem para sa Eleksyon 2022.

Kaugnay nito, ngayong Miyerkoles ay pormal nang inanunsyo ng dalawang opisyal ang kanilang tambalan para sa presidential at vice presidential bid sa halalan susunod na taon.

Sa isinagawang virutal launching kanina, inilunsad na rin ng dalawa ang kanilang campaign motto na “Ito ang Simula,”  na sumesentro sa “Katapangan, Kakayahan at Katapatan.”

“Between me and Senate President Sotto are more than 80 years of honest, dedicated and competent public service,” ani Lacson sa kanyang talumpati.

“Mayroon kaming sapat na kakayahan, katapatan at katapangan upang pamunuan ang ating bansa at upang muling bumangon sa ating pagkakalugmok,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?