120

Dec 27, 2020 @ 20:25
By

Lacson: VFA kapalit bakuna tunog blackmail

Hindi dapat magtunog blackmail ang panghingi ng tulong ng Pilipinas sa Amerika para sa COVID-19 vaccine.

Ayon ‘yan kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aalisin ang visiting forces agreement (VFA) kapag hindi nabigyan ng 20 milyong bakuna ang Pilipinas.

“It is at the very least, unfortunate. I think there could be a more diplomatic or at least a better way of asking a longtime ally to help us avail of the vaccines of our people without sounding like we are blackmailing our way into it,” saad ni Lacson.

Matatandaan na dati nang tinangkang tanggalin ang VFA, ngunit sinuspende rin ng gobyerno ang pagpapatupad nito.

Ang pagtanggal ng VFA ay nag-ugat matapos na kanselahin ng US ang visa ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, na kilalang kaalyado ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?