2,999

Apr 4, 2020 @ 7:26
By

Lacson tumulong ng tahimik sa mga St. Luke’s frontliner

Lubos na pasasalamat ang pinahatid ng mga OB-GYN frontliner ng St. Luke’s Medical Center Quezon City para kay Senador Panfilo Lacson.

Ito’y matapos na magpaabot ito ng tulong sa nasabing ospital sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga personal protective equipment (PPE) na kailangan bilang proteksyon sa COVID-19.

“Taos-pusong pasasalamat po Senator
@iampinglacson
sa mga PPE para sa St Luke’s Medical Center OB-GYN frontliners,” saad sa tweet ni @DigitalBelle.

Paliwanag naman ni Lacson, hindi siya dapat ang pasalamatan ng mga medical worker dahil hindi naman umano sa kanya nanggaling ang mga PPE kundi sa isang good samaritan na hindi pinangalanan.

Dahil dito’y mas tumaas ang respeto ng netizen, at sinabing kaya niya gusto ang senador ay dahil hindi ito epal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?