162
ABANTE lacson atio hazing case sc
By

Lacson tuloy ang suporta kay Duterte

Matatag nang muli ang suporta ni Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil humingi ito ng tawad para sa kontrobersiyal nitong pahayag na “stupid” ang Diyos.

Aminado si Lacson na nagkaroon ng agam-agam kung patuloy na susuportahan ang Pangulo nu’ng magsalita ito laban sa Diyos.

“I know there are firm God believers like me supporting his presidency who can now get over with the dilemma of whether or not to continue supporting his presidency,” ani Lacson na isa sa mga umalma sa pagmumura ng Pangulo sa Diyos.

Nagpasalamat naman ito sa Diyos dahil binigyan ng liwanag ang isip ng Pangulo.

Sinabayan ito ng paggigiit na huwag nang intrigahin kung sinong Diyos ang hiningan ng tawad ng Pangulo.

“I can only thank God for enlightening our President to make that humble apology. It shouldn’t matter much if it was my God or his God he is apologizing to, because there is only one God of the universe anyway,” dagdag ni Lacson.

“We can now move on while praying for his continued enlightenment. It takes courage and character for a man to openly accept his mistake and apologize. This was how I knew the President in the many times that I was dealing with him when he was still mayor of Davao City. I am glad that at the end of the day, he is still how I’ve known him,” sabi pa ni Lacson. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?